Sinubukan kong talakayin ang organikong kaisahan ng isang maikling kuwento na ang pamagat ay "Uuwi na ang Nanay Kong si Darna" na isinulat ni Edgar Calabia Samar
Mga elemento ng isang kuwento ay
- TAUHAN
- Popoy - Si Popoy ang pangunahing tauhan sa kuwento. Siya ay isang bata na lumaki ng hindi palagi nakakasama ang kayang nanay. Tanging ang kanyang tatay lang ang nasa kanyang tabi.
- Tatay - Ang tatay ang nagpapalaki kay Popoy. Palagi niyang kinekwentuhan ang kanyang anak ng ukol sa pagiging magiting na nanay na malapit ng umuwi.
- Nanay ni Popoy - Sinasabi ng tatay ni Popoy na ang nanay niya ay si Darna... Nagtrtrabaho siya sa ibang bansa upang masuportahan ang kanyang pamilya
- TAGPUAN
- Ang istorya ay ginanap sa isang karaniwang bahay at ang panahon naman ay hindi pinagbigay-alam
- BANGHAY
- Kinekwentuhan ng mga kabighabighani na istorya si Popoy ng kanyang ama tungkol sa kanyang nanay na malapit ng uuwi. Dito kailangang tanggapin nalang ang sitwasyon ng pamilya para matustusan ang pangangailangan nila
- TEMA
- Ang tema ng kuwento ay maihahalintulad sa tunay na buhay. Dulot ng kahirapan, maraming mga magulang na naghahanap-buhay sa ibang bansa
- TAGAPAGSALAYSAY
- Ang tagapagsalaysay ay ang pangunihang tauhan na si Popoy. Naniniwala ako na pampalakas ito ng kuwento, ng mensahe na nais iparating ng manunulat kaya niya ito ginamitan ng "First Person"
Pahabol: para sa mga taong hindi nakakaalam kung sino si Darna, siya ito oh-->
Paano makatutulong ang pagkakaroon ng organikong kaisahan sa mga elemento ng kuwento?
Basta, importante ito sa pagbubuo ng kaisipan ng kuwento, para hindi din magulo ang mga ideya at mga gustong iparating ng manunulat sa mga mambabasa ng kanyang akda.
Ayan, Sana kahit papaano may naintindihan kayo sa aking post.
Kahit hindi man tama lahat ng aking sinulat sa inyong palagay, ito po'y ang aking pagiintindi kung ano at gaano kaimportante ang organikong kaisahan.
puntahan niyo nalang ang link kung gustong niyong mabasa ang buong kuwento. : )
Happy Weekend sa lahat!
No comments:
Post a Comment