Thursday, October 4, 2012

FOJ # 6

Metanarrative 

Ang metanarrative ang mga istorya o mga teorya na higit sa ordinaryong pagbibigay kahulugan ng buhay.

Meron isang metanaraative sa sigurado akong sa panahon ngayon ay ilang beses na rin narinig ng maraming tao sa kanilang mga magulang, Ito ay "Pag nakapag-aral ka, magiging maginhawa ang buhay mo"

Nung una pa lamang, kahit ilang beses kong basahin yan at kahit ilang ulit pang sabihin sa akin yan ng aking mga magulang, sasagot nalang ako ng "opo" or "ok" pero habang tumatanda na ako, nabubuksan mga mata ko sa aking paligid, pati ang mga tao sa aking paligid. Nagbago ang pananaw ko sa linyang 'yan. Parang kasi ang pinapakita ay hinahagad nating mga Pilipino ang tinatawag nilang "American Dream." Hindi naman lahat ng nakapagtapos ng pag-aaral gumiginhawa ang buhay e.

Subalit sa panahon ngayon, kinakailangan ang pag-aaral. Dahil tuluyan na tayong nagkaroon ng "colonial mentality" nagkaroon ng dibisyon ang mga taong may pinag-aralan at wala o di nakapagtapos ng pag-aaral.

Kaya... sa mga kabataan.. Mag-aral ng mabuti, magpursigi tayong lahat :)

Friday, September 28, 2012

FOJ # 8

Mga commodity na nagbibigay kahulugan sa akin.

Ang mga commodity ay mga bagay na ating gusto o nagiging pangagailangan.
Ang commodification naman ay ang pagtransform ng mga gamit o ideya sa isang commodity.


Tubig, Laptop, Cellphone, at iba pang mga gadgets.

Yan ang mga commodity na nagbibigay kahulugan sa akin. Yan ang mga bagay na pag nawala sa akin ay hindi ko alam gaano kalaking pagbabago ang magaganap sa pang araw-araw kong buhay.

Ang mga gadgets na nabanggit, sa tingin niyo ba na kung ano ako ngayon, yun parin ang magiging ako sakaling mawala yan? Hindi. Dahil ang mga teknolohiya na yan ay siyang nagpapadali sa pang araw-araw kong buhay. Yan na din ang maituturing isang "friend" pag nasa isang lugar ka tapos wala kang kakilala. Ang cellphone, ay nagsisilbing mode of communication. Maaari kong matawagan ang aking pamilya ngayo'y malayo sila sa akin. Kaya naman sa pagkakaroon ko ng mga gadgets, naipapakita na isa akong "materialistic" na tao.

Ang tubig. "It is essential to life." Sabi nga nila "You can survive months without food, but one week without water." Paano iyan naging isang commodity? Dahil hindi basta-bastang tubig ang aking ginagamit, kundi tubig na alam ko talaga na malinis at hindi nanggagaling sa gripo. Wala naman may gustong uminom ng maruming tubig, hindi ba?















   

FOJ # 7

Metanarratibo sa Aking Buhay

Bago ako magbigay ng halimbawa talakayin muna natin kung ano ba ang metanarratibo.

Ang metanarratibo ay iyong mga kasabihan o mga salita ng mga tao na nagpapakita tinatawag natin "the usual."

1. Sabi sa akin ng tatay ko, "Mag-aral ka ng mabuti, Kasi pag wala kang utak, hindi mo makukuha mga gusto mo."
           Totoo naman e. Kahit itanung pa natin sa madaming tao. Sa panahon ngayon walang duda na ganoon talaga ang pagiisip ng mga tao. Pag may pinag-aralan ka, may pera ka pero pag wala, saan ka nalang pupulutin? Mahalaga ang pag-aaral para naman makahanap ng magandang trabaho. Pag may magandan trabaho, may pera at kaya mong mabili lahat ng mga gusto mo.

2. Kung ano ang ginawa mo sa isang tao, iyon din ang gagawin ng mga tao sayo.
          Sabi nga ni Confucius " Don't do onto others what you dont want others to do onto you." Hindi pa ba nagbigay ng malinaw na eksplanasyon ang linyang iyan?

3. "Kung nakapag-aral ka maganda ang trabaho, pati na rin ang sweldo"
         Naniniwala ang mga tao na kapag may napag-aralan, makakahanap na agad ng magandang trabaho, Paano yan nasa-isip? Dahil sa mga Europeo at sa mga Amerikano. Ang mga isipan ng mga tao'y naimpluwensiya ng mga pelikula ng mga taga-ibang bansa. Subalit hindi din totoo yan.

Thursday, August 23, 2012

Larawang Tradisyunal

Paano nga ba natin malalaman kung tradisyunal ang isang larawan?

Sa larawang ito pwede nating sabihin na ipinapakita na noon ay ang kababaihan ang namamahala sa mga gawaing bahay tulad ng paglalaba. Sila din ang kaialngang magalaga sa kanilang mga anak. Dahil sa mahinhin ang babae noon, ang mga lalaki ay ang siyang gumagawa ng mga mabibigat na tungkulin tulad nalang ng pagbubuhat ng tubig.





Sa larawang ito ipinakita ang pagkatradisyunal sa pamamagitan ng mensaheng ipinaparating nito. Dito, masasabi natin na ang anak ay tinuturuan ng kanyang ama sa pangangaso. Dati, kinakailangan na bata pa lang ay sinasanay na silang matuto sa mga gagawin nila balang araw. Ito ay dahil sa pagtanda nila'y kinakailangan nilang suportahan ang pangangailangan ng kanyang sariling pamilya

Sa larawang ito naman ipinakita ang isang tradisyunal na pamilya. Kung saan magkakasama sila sa isang bubong. Ang ipinapahiwatig ng pagbubuhat ng nanay sa anak ay obligasyon ng nanay na alagaan at palakihin ang anak. Kung babae man ito ay silang maninilbihang guro nila.





Diyan na nagtatapos ang aking maikling blog :)

Friday, August 3, 2012

Filipino Journal Entry # 5

Ang mga elemento ng isang akdang pampanitikan ay kinakailangang magkaroon ng organikong kaisahan upang maging malinaw at kauna-unawa ang aral o ang tema ng akda.

Sinubukan kong talakayin ang organikong kaisahan ng isang maikling kuwento na ang pamagat ay "Uuwi na ang Nanay Kong si Darna" na isinulat ni Edgar Calabia Samar

Mga elemento ng isang kuwento ay
  • TAUHAN
    • Popoy - Si Popoy ang pangunahing tauhan sa kuwento. Siya ay isang bata na lumaki ng hindi palagi nakakasama ang kayang nanay. Tanging ang kanyang tatay lang ang nasa kanyang tabi.
    • Tatay - Ang tatay ang nagpapalaki kay Popoy. Palagi niyang kinekwentuhan ang kanyang anak ng ukol sa pagiging magiting na nanay na malapit ng umuwi.
    • Nanay ni Popoy - Sinasabi ng tatay ni Popoy na ang nanay niya ay si Darna... Nagtrtrabaho siya sa ibang bansa upang masuportahan ang kanyang pamilya
  • TAGPUAN
    • Ang istorya ay ginanap sa isang karaniwang bahay at ang panahon naman ay hindi pinagbigay-alam
  • BANGHAY
    • Kinekwentuhan ng mga kabighabighani na istorya si Popoy ng kanyang ama tungkol sa kanyang nanay na malapit ng uuwi. Dito kailangang tanggapin nalang ang sitwasyon ng pamilya para matustusan ang pangangailangan nila
  • TEMA
    • Ang tema ng kuwento ay maihahalintulad sa tunay na buhay. Dulot ng kahirapan, maraming mga magulang na naghahanap-buhay sa ibang bansa
  • TAGAPAGSALAYSAY
    • Ang tagapagsalaysay ay ang pangunihang tauhan na si Popoy. Naniniwala ako na pampalakas ito ng kuwento, ng mensahe na nais iparating ng manunulat kaya niya ito ginamitan ng "First Person"
Pahabol: para sa mga taong hindi nakakaalam kung sino si Darna, siya ito oh-->

Paano makatutulong ang pagkakaroon ng organikong kaisahan sa mga elemento ng kuwento?
Basta, importante ito sa pagbubuo ng kaisipan ng kuwento, para hindi din magulo ang mga ideya at mga gustong iparating ng manunulat sa mga mambabasa ng kanyang akda.  

Ayan, Sana kahit papaano may naintindihan kayo sa aking post.
Kahit hindi man tama lahat ng aking sinulat sa inyong palagay, ito po'y ang aking pagiintindi kung ano at gaano kaimportante ang organikong kaisahan.

puntahan niyo nalang ang link kung gustong niyong mabasa ang buong kuwento. : )

Happy Weekend sa lahat!


Monday, July 30, 2012

Kinakailangan pala namin gumawa ng blog, kaya ito na iyon. Kaya nga lang dapat naipost na kagabi kaya nga lang nahuli naman kasi ang anunsyo ng aming beadle at kaninang umaga ko lang din nabasa... (bad mood)

Nung nakaraang linggo tinalakay namin ang isang istorya na ang titolo ay "Ang Kuwento ng Pagong at Matsing". Ito daw ay isinulat ni Dr. Jose Rizal sa pagpapakilala sa manunulat subalit ito daw ay orihinal na ginuhit ng ating pambansang bayani.

Ito yung iginuhit niya oh





Tignan mabuti ang kanyang ginuhit.... Wag kayo magtataka kung bakit parang kulang ang larawan para makabuo sila ng mahabang istorya ay dahil, parte lang yan ng buong iginuhit ni Rizal.
\


Ano masasabi niyo sa iginuhit ni Rizal?



Hindi lang pala isang bayani na manunulat si Rizal. Magaling din siyang gumuhit. Kahanga-hanga talaga







Sa kuwentong ito, natuklasan pa namin kung ano pa ang ang mayroon sa isang tradisyunal na panitikan. Sa isang tradisyunal na panitikan, kinakailangang gumamit ng istiryutipo. Ito yung paggaya sa mga karaniwang katangian ng isang tauhan na malaman mo lang ang kaniyang katangian o makita lang ang itsura ay malalaman na kung ano ang papel nito sa kuwento. Isa pang nadagdag na katangian ng isang tradisyunal ay yung pagiging didaktiko.
Ang isang modernong panitikan naman ay kabaliktaran lang ng isang tradisyunal na panitikan.

Dito nagtatapos ang aking maikling blog.Sana may natutunan kayo sa aking sinulat :)

Saturday, July 21, 2012

Nanood kami noong ika-labing walo ng Hulyo ng gabi ng dalawang dula na may pamagat na "Ang Santong Tao" ni Tomas Remigio at "Ang Sistema ni Propesor Tuko ni Al Santos na ang tema ay Mutya, hanggang ngayon ay di ko padin maintindihan ang koneksyon ng dalawang dula sa salitang iyon na ang ibig sabihin ay irog o giliw.
Ang unang dula na pinalabas ay yung "Mga Santong Tao". Sa aking pagkakaintindi ang dula ay tungkol sa tatlong lalaki na mataas ang katayuan sa buhay na mayroong sekswal na interes sa isang babaeng may asawa na isang mang-uukit, Ang mag-asawa ay hindi mayaman at hindi din ganun kahirap. Kaya naman ang babae na nagngangalang TItay ay nagpaalam sa kanyang asawa na perahan ang kura, sakristan mayor at ang piskal (ang tatlong nagkakagusto kay Titay) sa pamamagitan ng pagyaya sa kanila sa kanilang tahanan sa iba't ibang oras ng gabing nagusap sila. Ginawa iyon ni Titay para maiahon sila sa hirap. Nauto ni Titay ang tatlo at naging matagumpay siya sa kanyang layunin. Sa huli ay may tatlong matandang pumasok sa entablado. na naghahanap ng mga Santo.


Ang pangalawang dula naman ay naka sentro sa malupit na sistema sa pagtuturo ng isang propesor na nagngangalang Tuko. Isa siyang malupit na guro na tatlumpu't dalawang taon na nagtuturo sa paaralang iyon. Mayroon siyang apat na estudyante na sina Bonjing, Ningning, Kiko at Bubbles. Ang apat ay makukulit subalit hindi naman magiging gaoon ang ugali nila kung ang sistema ng propesor sa pagtuturo ay mas mabuti kaysa sa kanyang sistema. Nagtapos ang dulang ito sa pagbabago ng sistema ng pagtuturo ni propesor Tuko.


Ang dalawang dula ay magkasalungat. Ang unang dula ay masasabi kong isang Tradisyunal na panitikan. Tignan nalang natin ang mga elemento ng tula, ang tema nito'y nasa unang panahon, ang panahon ng Kastila kung saan ang mga nakatataas ay yung mga alagad ng simbahan o gobyerno. Ang hangad ng mga nakatataas ay yung babae kaya nama'y gumawa talaga ng paraan para makamit ang kanilang inaasahan subalit sa huli ay wala ding nangyari, ipinapakita nito na parang lang noong panahon ng Kastila, ang mga nakatataas ay gagawin lahat upang makuha ang kanilang gusto. Iba pang mga elemento na nagpakita na tradisyunal ang dula ay ang ilaw, mga kagamitan, ang likuran, ang pananmit ng mga tao, at ang mga salitang ginagamit. Ang ilaw ng set nun ay dilaw na may pagka-kahel na parang kulay ng apoy ng kandila na ginagamit noong unang panahon. Ang mga kagamitan naman ay mga kahoy, ang kama mga kahot at tungtungan ay yari sa kahoy, walang kagamitan na nagmumukhang galing sa panahon ngayon. Ang suot naman ng mga tauhan sa dula ay ang damit ng mga pangkaraniwang tao. huli ay ang kanilang mga salitang ginagamit. Nung una kong marinig magsalita ang isa sa mga tauhan laking gulat ko na ang lalim ng mga ginagamit kaya nama'y hindi ko gaano maintindihan ang kanilang pag-uusap. Pati pangalan ng mga tauhan sa tula ay mga karaniwang pangalan na maririnig mo dati.


Ang ikalawang dula ay moderno naman. Kung ano ang meron sa trradisyunal na dula, yun nama'y wala sa isang modernong dula. Ang tauhan sa dula ay nakasuot ng mga damit na ipinakilala ng mga Amerikano sa atin, pati ang salitang ginamit ay Ingles, mga nakasulat sa pisara ay Ingles, mayroon pa ngang pagkakataon na binanggit ang pangalan ng American Idol winner na si Phillip Phillips. Ang mga ilaw sa set ay makulay, parang ang mundo lang ngayon. Mapa musika ng dula ay isang modernong kanta na sikat ngayon. Ang dula ding to ay tinatalakay ang lipunan ngayon.







Parang ganyan ang suot ng babae sa dulang "Mga Santong Tao". Tatlo ang nagkakagusto sa kanya kaya nga lang wala akong mahanap na tatlong lalaki. Isipin niyo nalang na lalaki yung isang babae :)

Ang larawang ito naman ay nag sisimbolo sa pangalawang dula kung saan ang propesor ay sinisigawan ng malapitan ang estudyante.
Harsh teacher screaming at child