Ang unang dula na pinalabas ay yung "Mga Santong Tao". Sa aking pagkakaintindi ang dula ay tungkol sa tatlong lalaki na mataas ang katayuan sa buhay na mayroong sekswal na interes sa isang babaeng may asawa na isang mang-uukit, Ang mag-asawa ay hindi mayaman at hindi din ganun kahirap. Kaya naman ang babae na nagngangalang TItay ay nagpaalam sa kanyang asawa na perahan ang kura, sakristan mayor at ang piskal (ang tatlong nagkakagusto kay Titay) sa pamamagitan ng pagyaya sa kanila sa kanilang tahanan sa iba't ibang oras ng gabing nagusap sila. Ginawa iyon ni Titay para maiahon sila sa hirap. Nauto ni Titay ang tatlo at naging matagumpay siya sa kanyang layunin. Sa huli ay may tatlong matandang pumasok sa entablado. na naghahanap ng mga Santo.
Ang pangalawang dula naman ay naka sentro sa malupit na sistema sa pagtuturo ng isang propesor na nagngangalang Tuko. Isa siyang malupit na guro na tatlumpu't dalawang taon na nagtuturo sa paaralang iyon. Mayroon siyang apat na estudyante na sina Bonjing, Ningning, Kiko at Bubbles. Ang apat ay makukulit subalit hindi naman magiging gaoon ang ugali nila kung ang sistema ng propesor sa pagtuturo ay mas mabuti kaysa sa kanyang sistema. Nagtapos ang dulang ito sa pagbabago ng sistema ng pagtuturo ni propesor Tuko.
Ang dalawang dula ay magkasalungat. Ang unang dula ay masasabi kong isang Tradisyunal na panitikan. Tignan nalang natin ang mga elemento ng tula, ang tema nito'y nasa unang panahon, ang panahon ng Kastila kung saan ang mga nakatataas ay yung mga alagad ng simbahan o gobyerno. Ang hangad ng mga nakatataas ay yung babae kaya nama'y gumawa talaga ng paraan para makamit ang kanilang inaasahan subalit sa huli ay wala ding nangyari, ipinapakita nito na parang lang noong panahon ng Kastila, ang mga nakatataas ay gagawin lahat upang makuha ang kanilang gusto. Iba pang mga elemento na nagpakita na tradisyunal ang dula ay ang ilaw, mga kagamitan, ang likuran, ang pananmit ng mga tao, at ang mga salitang ginagamit. Ang ilaw ng set nun ay dilaw na may pagka-kahel na parang kulay ng apoy ng kandila na ginagamit noong unang panahon. Ang mga kagamitan naman ay mga kahoy, ang kama mga kahot at tungtungan ay yari sa kahoy, walang kagamitan na nagmumukhang galing sa panahon ngayon. Ang suot naman ng mga tauhan sa dula ay ang damit ng mga pangkaraniwang tao. huli ay ang kanilang mga salitang ginagamit. Nung una kong marinig magsalita ang isa sa mga tauhan laking gulat ko na ang lalim ng mga ginagamit kaya nama'y hindi ko gaano maintindihan ang kanilang pag-uusap. Pati pangalan ng mga tauhan sa tula ay mga karaniwang pangalan na maririnig mo dati.
Ang ikalawang dula ay moderno naman. Kung ano ang meron sa trradisyunal na dula, yun nama'y wala sa isang modernong dula. Ang tauhan sa dula ay nakasuot ng mga damit na ipinakilala ng mga Amerikano sa atin, pati ang salitang ginamit ay Ingles, mga nakasulat sa pisara ay Ingles, mayroon pa ngang pagkakataon na binanggit ang pangalan ng American Idol winner na si Phillip Phillips. Ang mga ilaw sa set ay makulay, parang ang mundo lang ngayon. Mapa musika ng dula ay isang modernong kanta na sikat ngayon. Ang dula ding to ay tinatalakay ang lipunan ngayon.
Parang ganyan ang suot ng babae sa dulang "Mga Santong Tao". Tatlo ang nagkakagusto sa kanya kaya nga lang wala akong mahanap na tatlong lalaki. Isipin niyo nalang na lalaki yung isang babae :)
Ang larawang ito naman ay nag sisimbolo sa pangalawang dula kung saan ang propesor ay sinisigawan ng malapitan ang estudyante.
Harsh teacher screaming at child |
No comments:
Post a Comment