Sa aming klase sa Pilipino pinadala kami ng aming guro ng mangga. Nakakapagtaka hindi ba? Pinabalat sa amin ng aming guro ang mangga na walang gamit na peeler o panghiwa at habang binabalatan namin ito, mayroon kaming ginagawang pagpapahayag at pagsasagot sa mga tanung ukol sa naging karanasan namin sa pagbabalat ng mangga at sa pagkain nito.
Pagkatapos ang pagbabalat ng mangga, Inaral namin ang tula na may pamagat na Payo sa Bumabasa ng Tula na isinulat ni Rolando S Tinio. Kailangan kasi namin maranasan ang pagbalat ng mangga upang maiugnay namin ito sa pagbasa ng tula.
Ang tula ay tungkol sa paghahambing ng pagkain ng mangga sa pagbasa ng tula at pagkuha ng kahulugan nito. Ayon kay Tinio sa unang hakbang ay kilatisin ang tula, alamin ang istruktura nito, at ang pamagat nito na inihambing niya sa pangalawang saknong na sinasabi na pakiramdaman ang mangga. Sabi niya din sa tula na ito ay ay magkakaiba, na walang tulang magkapareho. Ang pagintindi sa kahulugan ng tula ay dapat dahan-dahan bawat linya iniisa-isa upang lubusang maintindihan. (Ito ay inihambing niya sa pagkain ng mangga, hindi dapat ito kinakain tulad ng pagkain sa tubo)
Ang buto ng mangga ganito oh ------------------->
Iisa lang, parang kutsilyong walang talas, parang pinatuyong sinag ng araw, parang usok-atulang nagsabato kagaya ng isang tula, iisa lang ang kahulugan nito subalit napakadaming iba't ibang interpretasyon ng iba't ibang tao.
Nagkaroon nga pala kami ng pagsusulit sa klase tungkol sa Filipino pop culture para malaman sino makikilahok sa isang pagsusulit na gaganapin sa eskuwelahan.
Parang ang dadali ng mga tanong pero pag susubukan mong sagutan ang hirap pala. Para sa akin mahirap subalit sa iba nama'y hindi.
Ito'y mga ilang halimbawa na itinanung sa amin
Ano ang size ng sapatos ni Imelda Marcos? "8"
Ano ang Tagalog ng horse radish? Akala niyo labanos? hindi! "malunggay" iyan
Ano ang karaniwang umagahan ng Pilipino? Hindi tapsilog kundi "kankamtuy" Alam niyo yan? (kanin,kamtis,tuyo)
muli, huwag lamang mag-ulit. mas mahalaga na makita ko kung paano ilalapat ang mga natutuhan sa isang kasalukuyang halimbawa ng pop culture. balikan ang panuto na nasa silabus.
ReplyDelete