Monday, July 30, 2012

Kinakailangan pala namin gumawa ng blog, kaya ito na iyon. Kaya nga lang dapat naipost na kagabi kaya nga lang nahuli naman kasi ang anunsyo ng aming beadle at kaninang umaga ko lang din nabasa... (bad mood)

Nung nakaraang linggo tinalakay namin ang isang istorya na ang titolo ay "Ang Kuwento ng Pagong at Matsing". Ito daw ay isinulat ni Dr. Jose Rizal sa pagpapakilala sa manunulat subalit ito daw ay orihinal na ginuhit ng ating pambansang bayani.

Ito yung iginuhit niya oh





Tignan mabuti ang kanyang ginuhit.... Wag kayo magtataka kung bakit parang kulang ang larawan para makabuo sila ng mahabang istorya ay dahil, parte lang yan ng buong iginuhit ni Rizal.
\


Ano masasabi niyo sa iginuhit ni Rizal?



Hindi lang pala isang bayani na manunulat si Rizal. Magaling din siyang gumuhit. Kahanga-hanga talaga







Sa kuwentong ito, natuklasan pa namin kung ano pa ang ang mayroon sa isang tradisyunal na panitikan. Sa isang tradisyunal na panitikan, kinakailangang gumamit ng istiryutipo. Ito yung paggaya sa mga karaniwang katangian ng isang tauhan na malaman mo lang ang kaniyang katangian o makita lang ang itsura ay malalaman na kung ano ang papel nito sa kuwento. Isa pang nadagdag na katangian ng isang tradisyunal ay yung pagiging didaktiko.
Ang isang modernong panitikan naman ay kabaliktaran lang ng isang tradisyunal na panitikan.

Dito nagtatapos ang aking maikling blog.Sana may natutunan kayo sa aking sinulat :)

Saturday, July 21, 2012

Nanood kami noong ika-labing walo ng Hulyo ng gabi ng dalawang dula na may pamagat na "Ang Santong Tao" ni Tomas Remigio at "Ang Sistema ni Propesor Tuko ni Al Santos na ang tema ay Mutya, hanggang ngayon ay di ko padin maintindihan ang koneksyon ng dalawang dula sa salitang iyon na ang ibig sabihin ay irog o giliw.
Ang unang dula na pinalabas ay yung "Mga Santong Tao". Sa aking pagkakaintindi ang dula ay tungkol sa tatlong lalaki na mataas ang katayuan sa buhay na mayroong sekswal na interes sa isang babaeng may asawa na isang mang-uukit, Ang mag-asawa ay hindi mayaman at hindi din ganun kahirap. Kaya naman ang babae na nagngangalang TItay ay nagpaalam sa kanyang asawa na perahan ang kura, sakristan mayor at ang piskal (ang tatlong nagkakagusto kay Titay) sa pamamagitan ng pagyaya sa kanila sa kanilang tahanan sa iba't ibang oras ng gabing nagusap sila. Ginawa iyon ni Titay para maiahon sila sa hirap. Nauto ni Titay ang tatlo at naging matagumpay siya sa kanyang layunin. Sa huli ay may tatlong matandang pumasok sa entablado. na naghahanap ng mga Santo.


Ang pangalawang dula naman ay naka sentro sa malupit na sistema sa pagtuturo ng isang propesor na nagngangalang Tuko. Isa siyang malupit na guro na tatlumpu't dalawang taon na nagtuturo sa paaralang iyon. Mayroon siyang apat na estudyante na sina Bonjing, Ningning, Kiko at Bubbles. Ang apat ay makukulit subalit hindi naman magiging gaoon ang ugali nila kung ang sistema ng propesor sa pagtuturo ay mas mabuti kaysa sa kanyang sistema. Nagtapos ang dulang ito sa pagbabago ng sistema ng pagtuturo ni propesor Tuko.


Ang dalawang dula ay magkasalungat. Ang unang dula ay masasabi kong isang Tradisyunal na panitikan. Tignan nalang natin ang mga elemento ng tula, ang tema nito'y nasa unang panahon, ang panahon ng Kastila kung saan ang mga nakatataas ay yung mga alagad ng simbahan o gobyerno. Ang hangad ng mga nakatataas ay yung babae kaya nama'y gumawa talaga ng paraan para makamit ang kanilang inaasahan subalit sa huli ay wala ding nangyari, ipinapakita nito na parang lang noong panahon ng Kastila, ang mga nakatataas ay gagawin lahat upang makuha ang kanilang gusto. Iba pang mga elemento na nagpakita na tradisyunal ang dula ay ang ilaw, mga kagamitan, ang likuran, ang pananmit ng mga tao, at ang mga salitang ginagamit. Ang ilaw ng set nun ay dilaw na may pagka-kahel na parang kulay ng apoy ng kandila na ginagamit noong unang panahon. Ang mga kagamitan naman ay mga kahoy, ang kama mga kahot at tungtungan ay yari sa kahoy, walang kagamitan na nagmumukhang galing sa panahon ngayon. Ang suot naman ng mga tauhan sa dula ay ang damit ng mga pangkaraniwang tao. huli ay ang kanilang mga salitang ginagamit. Nung una kong marinig magsalita ang isa sa mga tauhan laking gulat ko na ang lalim ng mga ginagamit kaya nama'y hindi ko gaano maintindihan ang kanilang pag-uusap. Pati pangalan ng mga tauhan sa tula ay mga karaniwang pangalan na maririnig mo dati.


Ang ikalawang dula ay moderno naman. Kung ano ang meron sa trradisyunal na dula, yun nama'y wala sa isang modernong dula. Ang tauhan sa dula ay nakasuot ng mga damit na ipinakilala ng mga Amerikano sa atin, pati ang salitang ginamit ay Ingles, mga nakasulat sa pisara ay Ingles, mayroon pa ngang pagkakataon na binanggit ang pangalan ng American Idol winner na si Phillip Phillips. Ang mga ilaw sa set ay makulay, parang ang mundo lang ngayon. Mapa musika ng dula ay isang modernong kanta na sikat ngayon. Ang dula ding to ay tinatalakay ang lipunan ngayon.







Parang ganyan ang suot ng babae sa dulang "Mga Santong Tao". Tatlo ang nagkakagusto sa kanya kaya nga lang wala akong mahanap na tatlong lalaki. Isipin niyo nalang na lalaki yung isang babae :)

Ang larawang ito naman ay nag sisimbolo sa pangalawang dula kung saan ang propesor ay sinisigawan ng malapitan ang estudyante.
Harsh teacher screaming at child

Thursday, July 12, 2012

   Sa aming klase sa Pilipino pinadala kami ng aming guro ng mangga. Nakakapagtaka hindi ba? Pinabalat sa amin ng aming guro ang mangga na walang gamit na peeler o panghiwa at habang binabalatan namin ito, mayroon kaming ginagawang pagpapahayag at pagsasagot sa mga tanung ukol sa naging karanasan namin sa pagbabalat ng mangga at sa pagkain nito.

Pagkatapos ang pagbabalat ng mangga, Inaral namin ang tula na may pamagat na Payo sa Bumabasa ng Tula na isinulat ni Rolando S Tinio. Kailangan kasi namin maranasan ang pagbalat ng mangga upang maiugnay namin ito sa pagbasa ng tula.

Ang tula ay tungkol sa paghahambing ng pagkain ng mangga sa pagbasa ng tula at pagkuha ng kahulugan nito. Ayon kay Tinio sa unang hakbang ay kilatisin ang tula, alamin ang istruktura nito, at ang pamagat nito na inihambing niya sa pangalawang saknong na sinasabi na pakiramdaman ang mangga. Sabi niya din sa tula na ito ay ay magkakaiba, na walang tulang magkapareho. Ang pagintindi sa kahulugan ng tula  ay dapat dahan-dahan bawat linya iniisa-isa upang lubusang maintindihan. (Ito ay inihambing niya sa pagkain ng mangga, hindi dapat ito kinakain tulad ng pagkain sa tubo)

Ang buto ng mangga ganito oh ------------------->

Iisa lang, parang kutsilyong walang talas, parang pinatuyong sinag ng araw, parang usok-atulang nagsabato kagaya ng isang tula, iisa lang ang kahulugan nito subalit napakadaming iba't ibang interpretasyon ng iba't ibang tao.











Nagkaroon nga pala kami ng pagsusulit sa klase tungkol sa Filipino pop culture para malaman sino makikilahok sa isang pagsusulit na gaganapin sa eskuwelahan.
Parang ang dadali ng mga tanong pero pag susubukan mong sagutan ang hirap pala. Para sa akin mahirap subalit sa iba nama'y hindi.
Ito'y mga ilang halimbawa na itinanung sa amin
Ano ang size ng sapatos ni Imelda Marcos? "8"
Ano ang Tagalog ng horse radish? Akala niyo labanos? hindi! "malunggay" iyan
Ano ang karaniwang umagahan ng Pilipino? Hindi tapsilog kundi "kankamtuy" Alam niyo yan? (kanin,kamtis,tuyo)




Wednesday, July 4, 2012

    Ano baang panitikan? " Ang panitikan ay mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, mga hangarin, at diwa ng tao katulad ng mga maiikling kwento, mga tula, mga dula, mga pelikula at marami pang iba. <-- Yan ang karaniwang sagot ng mga regyular na magaaral na hindi pa  lubusang naaral kung ano ang panitikan. 
    Sa dalawang huling pagkikita namin nila Ginoong Tenorio ito ay aming tinalakay, kung ano nga ba talaga ang panitikan. Nung unang araw, nagkaroon kami ng isang (activity) kung saan kailangan namin maglista ng mga alam naming uri ng panitikan at sa mga sinulat namin ay kailangan namin gawan ng sariling katwiran kung ano ang panitikan. Inirepresenta namin ang aming mga ginawa sa sumunod naming pagkikita sa harapan ng klase. Pagkatapos nun ay nagturo na siya tungkol sa panitikan.
    Tinalakay muna namin ang magkaibang pananaw ni Aristoteles at ni Platon. Para kay Aristoteles ang panitikan ay kopya lang ng isang kopya. Para naman kay Platon, ang mga bagay ay anino lang ng kaisipan. Ibig sabihin nito ay ang isang bagay ay di na orihinal sapagkat bago pa yan nandiyan ay nasa isipan na yan ng isang tao. Sunod naming pinagusapan ang mga nangyari nung ika-dalawampung siglo (French Revolution at Industrial Revolution) na nagbuo ng kaisipan kung ano ang panitikan.
    Ang panitikan ay esensyal na parte ng ating kultura sapagkat isa itong paraan upang ipreserba ang ating wika bilang Pilipino. Ito din ang umuudyot sa mga katutubong Pilipino upang makamit ang kalayaan mula sa Kolonyalismo.






 Ano baang panitikan? " Ang panitikan ay mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, mga hangarin, at diwa ng tao katulad ng mga maiikling kwento, mga tula, mga dula, mga pelikula at marami pang iba. <-- Yan ang karaniwang sagot ng mga regyular na magaaral na hindi pa  lubusang naaral kung ano ang panitikan. 
    Sa dalawang huling pagkikita namin nila Ginoong Tenorio ito ay aming tinalakay, kung ano nga ba talaga ang panitikan. Nung unang araw, nagkaroon kami ng isang (activity) kung saan kailangan namin maglista ng mga alam naming uri ng panitikan at sa mga sinulat namin ay kailangan namin gawan ng sariling katwiran kung ano ang panitikan. Inirepresenta namin ang aming mga ginawa sa sumunod naming pagkikita sa harapan ng klase. Pagkatapos nun ay nagturo na siya tungkol sa panitikan.
    Tinalakay muna namin ang magkaibang pananaw ni Aristoteles at ni Platon. Para kay Aristoteles ang panitikan ay kopya lang ng isang kopya. Para naman kay Platon, ang mga bagay ay anino lang ng kaisipan. Ibig sabihin nito ay ang isang bagay ay di na orihinal sapagkat bago pa yan nandiyan ay nasa isipan na yan ng isang tao. Sunod naming pinagusapan ang mga nangyari nung ika-dalawampung siglo (French Revolution at Industrial Revolution) na nagbuo ng kaisipan kung ano ang panitikan.
    Ang panitikan ay esensyal na parte ng ating kultura sapagkat isa itong paraan upang ipreserba ang ating wika bilang Pilipino. Ito din ang umuudyot sa mga katutubong Pilipino upang makamit ang kalayaan mula sa Kolonyalismo.